Una kong narinig ang Lea ng Buklod nung ako ay nasa kolehiyo pa lamang. Bago magsimula ang isa pang palabas namin sa teatro, ito ang pinapatugtog na house music. Nagtaka ako bakit ito ang laging pinipili ng aming stage manager… naintindihan ko na rin nung nakita ko ang lyrics.
At ngayong ako ay naghihintay sa maraming bagay, ito ang aking awit:
May ningning pa ang mga bituin
Nagbangon na sila’t handa nang salubungin
Yaong mga mangingisdang nagpalaot sa magdamag
Katulad ng marami pang kabiyak naroroon si Lea, naghihintay
Kilala nya ang kilos ng dagat
Kilala niya ang mga awit ng habagat
Saksi ang mga alon sa wagas ng pagsuyo
At sa tuwing pagdating ng sinta
Panglaw sa puso’y dagling naglalaho
Wala mang katiyakan, muling pagsasama
Natutunan na niyang mahalin ang pangamba
Natutunan na niyang mahalin ang paghihintay
Wala mang katiyakan, Naroroon si Lea, naghihintay
May ningning pa ang mag bituin
Nagbanong na siya’t handa nang salubungin
Ang mahal na asawang lagi’t laging lumilisan
Ang tubig sa kanyang mga mata
Maaring luha ng tuwa o pagdurusa
Wala mang katiyakan…

0 comments ↓
There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.
Leave a Comment